Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 22:7
…the borrower is servant to the lender.

Bakit ba ayaw ni Lord na tayo ay maging mangungutang? Totoo ang sinasabi ng Proverbs 22:7 maliban na lang kung napakakapal ng ating mukha. Kadalasan, yung nagpautang sayo, kahit mukhang tiriringgay, sasabihin mo, “Ang ganda-ganda mo ngayon!” E kasi pinapautang ka, di ba? Sa damit naman nya, “Ano bang itsura ng damit ko?” Kahit mukhang kurtina, ang sasabihin mo, “Bagay na bagay sayo!” Kung nakikita mong may dalang libro, “Ako na ang magdadala.” At kung nakaupo naman, “Mamasahihin ko ang paa mo.” Ganun ang may utang!

When you borrow from people they can throw anything at your face and you have no choice but to smile. Kasi may utang ka. So ano ang isang evil result ng pangungutang? Subservience. Nagiging alila tayo. Kung bakit naman kasi ganun, binabayaran mo naman yung utang mo, nagiging alila ka pa rin. Kasi may psychological effect yang pangungutang. Kahit nagbayad ka na, meron pang utang na loob na hindi nababayaran. Kaya kahit yamut na yamot ka na sa kasama mo, sama ka pa rin nang sama dahil pinapautang ka.

“Magsa-shopping ako, halika.”

“O sige. Ako ang tagabitbit.”

Sapagkat nagiging alila o alipin tayo ng iba sa pangungutang, hindi na tayo makapalag. Wala ka nang kalayaan. Walang laya ang iyong puso. Walang laya ang iyong isip. Dahil hawak ng pinagkakautangan mo ang iyong isip at damdamin. Taliwas ito sa kagustuhan ng Dios na tayo ay maging malaya.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.