Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 10:20

Don’t even think about cursing the king; don’t curse the rich, not even in secret. A little bird might hear and tell everything.

Do not provoke the powerful to destroy you. Nakikita mo kung minsan, nagtatalo lang sa parking lot, pinagalitan nya yung katalo nya, may baril pala, binaril siya. Tama man siya, patay naman siya. Hayaan mo na, huwag ka nang makipaglaban d’yan. Kung minsan, sa jeepney, makikipag-away ka sa driver dahil sa sukli. Kung hahatawin ka naman ng tubo, kanya na yung singkwenta sentimos. May mga giyera na para ka manalo, dapat magpatalo ka, kasi sa pagkakatalo lang, nananalo ka. Pag ipinagpilitan mong manalo, dun ka lang natatalo. You must know when to let go.

Do not cross the path of someone who has momentum. Sino yun? Yung taong kitang-kita mong panahon nya dahil napakarami nyang kapangyarihan ngayon. Walang mangyayari sa iyo. Anyone in a winning streak, an ascending car, a running boy, pare-pareho yan – mayroon silang energy. Panahon nila. Wala kang mapapala na makipagbanggaan. Lalung-lalo ingatan mo ang iyong salita. Ang daming tao na wala na ngang kapangyarihan, ang hilig pang magchismis. ‘Tapos pag nalaman ng chinismis nila yung sinabi nila, tanggal sila sa trabaho, nawawalan sila ng pribilehiyo. Tigilan natin. Lalo na kung wala naman kayong ipagmamalaking kapangyarihan.

Sinuman ang may kapangyarihan, alam nyo man o hindi, huwag mong inisin, at huwag mong hayaang makigulo siya. At the end of the day, ikaw ang kawawa. Don’t argue with those who have power which you do not have.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.