Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 2:24

The best thing we can do is to enjoy eating, drinking, and working. I believe these are God’s gifts to us.

Sa iksi ng buhay na ito, kapag inubos pa sa pag-aalala, kokonti na lang ang matitira para mag-enjoy. Matuto tayong magbalanse. Magmahal at payagan mong mahalin ka rin. Maging matulungin at tumanggap ka rin ng tulong. Do your part and get your share. Life must be beautiful because it is from God. Tulungan natin ang kapwa na mag-enjoy din sa buhay. Yung mga pamilya na may nagsasakripisyong breadwinner, tulungan nyo namang magpasan ng krus. Kahit ang Panginoong Hesus ay tinulungan din. Baka naman sobrang pagsasakripisyo na ng ate nyo, tumandang dalaga na, hindi na nagkaroon ng love life kapapaaral sa mga kapatid. Bigyan nyo naman ng break. Mamaya mauuna pa kayong mag-asawa, at yung mga anak nyo naman ang iaasa nyo sa kanya. Baka yung mga tatay at nanay na nagpalaki na sa inyo, pagtanda pag-aalagaan nyo naman ng mga anak nyo. Hindi na sila nagkaroon ng panahon na magsaya. At dun naman sa mga martir, ano ang gagawin nyo? Sakripisyo na lang hanggang mamatay? Sa langit na lang kayo babawi? No! Life must be lived here and now. Pinahahalagahan ang katawan at inaalagaan para lasapin ang magagandang inilaan ng Dios para sa tao.

Ipagdiwang ang buhay. Gawin ang dapat gawin. Basta hindi ipinagbabawal ng Dios, gawin nyo. Binigyan ka ng mata para makakita, binigyan ka ng panlasa para tumikim, binigyan ka ng paa para maglakad, binuhay ka ng Dios para mabuhay ka.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: