Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 8:12

I will treat them with kindness, even though they are wicked. I will forget their sins.

Ito yung tunay na pakahulugan ng “to forgive is to forget.” And to forgive is to move on. Ang talino talaga ng Dios, alam nya ang solusyon.   Sabi nya, “Ang mga taong ito lagi na lang nagkakasala, alangan namang lagi na lang akong laging mainis. Lagi na lang silang nagkukulang, alangan namang laging kumulo ang dugo ko. Kaya ang gagawin ko papatawarin ko sila at kalilimutan ko na lang ang mga kasalanan nila.” Forgive people and forget their misdeeds.

But we must also make it easier for others to forgive us and to forget what we did to them. Marami din tayong pagkukulang sa iba. Every day, sinasadya man o hindi, we offend people around us. Sometimes we take other people’s rightful places. Sometimes we take the promotion that others think they deserve. Sometimes we win this romantic object that others feel they should have instead. Nagkukulang din tayo. At mabuting tulungan din natin ang iba na patawarin tayo.

Kung tayo ang may kasalanan, magpakumbaba at humingi ng tawad. Kung may nainis tayo, magpasintabi. Kung may pagkukulang, punuan. Kung may utang, bayaran. Help people forgive you because it is unkind to cause others to hate you. Hatred sets them back. Isang tunay na kabutihan ay yung pagtulong sa kapwa na huwag silang mayamot sa atin. Kung nagkakasala sila, mananagot din tayo sa Dios dahil tayo ang dahilan ng pagkakasala nila. Kaya hindi lang tayo nag-iisip na, “Kailangan ko palang magpatawad.” Dapat din nating isipin, “Paano ko kaya tutulungan silang patawarin din ako?”

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.