Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 9:7
Be happy and enjoy eating and drinking! God decided long ago that this is what you should do.  

Go gladly through the motions of living. May ipinapanganak, namamatay, naoospital, dadalawin, nangungutang, sisingilin, babayaran, papakinggan, sasabihin. These are the activities and rituals, both great and small, of living. Ang tanong ay ito: Ginagawa lang ba natin ang mga yan dahil dapat gawin? Ginagawa na rin lang, gawin na natin with feelings. Enjoy every minute of life. Kung may ginagawa ka for one or two hours, may nililinis o hinuhugasan mo yung talaba pero nagdadabog at naiinis ka, ikaw ang nalugi dahil may isang oras na dumaan na hindi mo na-enjoy. At hindi na babalik ang oras na yun kahit kailan.

Mag-aayos ka ng bulaklak, gandahan ang pagsasaksak sa vase. Magtitiklop ka ng kumot, pantayin mo na yung bawat sulok. Magsasalansan ka ng mga tuwalya sa cabinet, ayusin mo ang salansan para lahat ng ginagawa mo mayroon kang satisfaction. Huwag yung kumakain ka ng sopas na malamig. O kaya sa styrophor kumakain kasi madaragdagan ang huhugasan. Hindi man lang pagandahin ang table setting para mas maganda sa pakiramdam.

Go gladly through the stages of life. Nagiging bata tayo, nagiging kabataan, nagiging young adult, nagiging adult, nagiging senior, lahat yan maganda. May panahon ang lahat. At bawat panahon ay dapat ipinamumuhay nang ayon sa panahong iyon. Do not just exist. Live. Have a life. Have excitement. Have passion.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.