Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 22:39b

…“Love others as much as you love yourself.”

Kung paano mo minamahal ang sarili mo, ganyan mo ring mahalin ang kapwa mo. Kung paano mo minamahal ang iyong anak, ganung uri ng pagmamahal din ang iyong ibigay sa anak ng iba. Hindi yung kapag ang anak mo ang nakakagawa ng mali, cute; pero kapag iba, masama.

Except for marital love, love must not be exclusive. Mahal mo ang sambahayan mo, mahal mo rin dapat ang kabilang sambahayan. Mahal mo yung anak mo, mahal mo rin dapat yung labandera na naglalaba ng damit ng anak mo. Mahal mo yung pamilya mo, mahal mo rin dapat yung mga kasama nyo sa bahay. Pag may empleyado kayo, gumawa kayo ng paraan na kahit man lang minsan kung hindi puedeng madalas ay makakain din ng masarap yung anak nila. Kung kayo ang may-ari ng kumpanya, binibigyan nyo rin ng bakasyon yung mga taong nagtratrabaho sa inyo kahit legally required silang magtrabaho nang ganito pero kaya nyo namang bigyan ng bakasyon.

Kung ikaw ay magulang, ang pinakamadaling paraan para mabigyan ka ng kasiyahan ay ang mahalin ng iba ang anak mo. Daig pang sa iyo ibinigay ang regalo kung ang anak mo ang niregaluhan. Ganun din ang Panginoon nating Ama sa langit. Pag binibigyan natin ang ating kapwa, daig pa ang sa kanya tayo nagbibigay. Pero pag pinagkakaitan natin ang ating kapwa, nagdaramdam din ang Dios. So pahabain natin, palawakin, paramihan ng pinupuntahan ang ibig sabihin ng pag-ibig ng Dios. Masama lang mahalin ang sarili kung tanging sarili mo na lang ang minamahal mo at wala nang iba.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: