Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 4:8
I will lie down and sleep in peace, for you alone, O LORD, make me dwell in safety.

Storms, whether physical or spiritual, bring about sleepless nights. But like Jesus, we must learn to sleep through the storm. Kung may bagyo, pilitin nating matulog. Kahit naman tayo magpuyat hindi natin kayang pigilin ang bagyo. Maliban na lang siguro kung ang bahay natin ay nanganganib na anurin ng baha o kaya ay gumigiray. Mabuti ngang maging alisto dahil baka pag gising natin, lumilipad na tayong kasama ng bahay natin.

Pero marami pang ibang bagyo sa buhay. Mga problema sa pamilya, sa pera at sa maraming kakulangan. But we must learn to enjoy life kahit ganun. Pag sobra tayong sentimental at madrama sa buhay, magmumukha tayong buto’t balat. Kung hihintayin natin na lagi tayong may pera para tayo sumaya, buhay pa kaya tayo pag nangyari yun? Hindi naman lahat ng bagay na nakapagpapasaya ay nabibili ng pera. Dahil kung ang kaligayahan ay nabibili, e di yung mayayaman lang ang laging pinakamasayang tao sa mundo.

Kung magkagalit kayo ngayon ng inyong asawa, kumain pa rin kayo. Huwag kayong magpapagutom. Alangan namang nagkagalit na nga kayo, nagka-ulcer pa kayo? Doble lugi. “Hindi pa umuuwi ang asawa ko. Hindi muna ako kakain.” Hindi ka na nga sinipot, nagutom ka pa. Kumain ka kahit wala siya.

Sleep though there is a storm. Hindi tayo sasaya at papayapa kung marami tayong hinahanap sa buhay. If we allow storms to rob us of sleep, we will only miss out on rest. We will only be possessed by fears, doubts and bitterness. We will only end up as losers.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.