Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 13:11

When we were children, we thought and reasoned as children do. But when we grew up, we quit our childish ways.

For those in positions of influence, grow up at i-minimize ang masasaktan mo habang di ka pa sanay gumamit ng iyong power over others. In this verse, Paul admits to his childish stage as a leader. Medyo kawawa kasi yung mapagpraktisan ng mga bagong may kapangyarihan. Katulad ng isang instructor sa unibersidad. Bagong-bago siya sa posisyon at may laude-laude siya nang gumraduate. E may kayabangan. Ang taas-taas ng standard nya, halos walang pumasa. Nag-rally ang mga estudyante laban sa kanya. Magaling nga siya kaya lang hindi pa siya sanay sa power nya over students. Ginagamit nya yung kanyang power para i-prove ang sarili. It doesn’t work that way. Kaya mag-ingat tayo sa paggamit ng kapangyarihan o awtoridad.

Sino ang childish? Pag akala mong mature ka. Sino yung mangmang? Pag akala mong alam mo lahat. Ang marunong, alam nyang hindi siya marunong. Ang mangmang, hindi nya alam na mangmang siya. Yung marunong, alam nyang mangmang siya. Pareho pa rin silang mangmang. Pero ang naiiba ay ang behavior dahil pag alam mong hindi ka magaling o marunong, bumabait ka’t nagiging humble ka.

What we know is little, what we do not know is immense. So, pag akala nyo mature kayo, maybe you are childish. Kasi yung tunay na mature, alam nyang may tendency siyang maging childish, mag-isip-bata. Therefore, nag-iingat siya hindi dahil alam na nya lahat, kundi dahil alam nyang marami siyang hindi pa alam.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.