Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 20:4

If you are too lazy to plow, don’t expect a harvest.

Plant so you will harvest. And remember this, nobody is too old to plant anything. Marami nga kaming nakain na prutas na galing sa tinanim ng mga lolo namin. Ibig sabihin, kahit matanda na sila nagtatanim pa sila, kumakain ngayon ang kanilang mga apo. Hindi tayo dapat tumigil maging fruitful kahit tayo may edad na kasi hindi natin alam baka pahabain ng Dios ang buhay natin hanggang 200 e di mayroon tayong inani. Kaysa pinahaba nga ang buhay nyo pero wala naman pala kayong itinanim dahil nung sixty anyos tumigil na kayo ng katatanim. Habang buháy ang tao, dapat productive. At habang kaya ng katawan, dapat kumikita.

Siempre mayroong risk involved ang pamumuhunan. Cause and effect ang abundance. Bihira naman yung dinapuan ka ng malas o ng suwerte, tulad ng sinasabi ni Solomon na hindi raw laging nananalo sa karera yung mabilis, o laging nagkakaroon yung masipag, o laging yumayaman ang marunong (tingnan ang Ecclesiastes 9:11). Mayroon ding nagsisikap pero hindi rin nagkakaroon. Pero ibig lang sabihin nun may possibility palang nagsisikap ka na hindi ka pa nagkakaroon kaya lalo ka lang dapat magsikap. At sabi nga nila, ang umaayaw ay hindi nagwawagi. Kaya kailangan kung nag-fail ka, nag-fail ka. But never stop trying hanggang buháy ka kasi hindi mo alam kung panahon na para ikaw naman yung magkaroon. Most of the time, ang masipag ay mag-aani.

Ang sinasabi sa Bible, kapag namumuhunan ka, dapat lang na umasam ka at umasa na mayroon kang tutubuin. Umaasa kang mayroong kikitain yan at mayroon yang pagdami.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.