Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 6:1-3

Therefore let us leave the elementary teachings about Christ and go on to maturity, not laying again the foundation of repentance from acts that lead to death, and of faith in God, instruction about baptisms, the laying on of hands, the resurrection of the dead, and eternal judgment. And God permitting, we will do so.

Ang puno, pagka ito ay lumalaki, tumataas ang mga sanga pero lumalalim ang mga ugat. Kung taas lang nang taas ang sanga at hindi lumalalim ang ugat, konting hangin lang tumba ito agad. Ganito rin ang spiritual life. Mahalaga na hindi lang tumataas kundi lumalalim din ang ating pagkaunawa. Lumalalim ang pagkabaon natin sa salita ng Dios na siya nating pinagkukunan ng spiritual nutrients, at tumataas naman ang antas ng application nito sa ating buhay. Kaya mahalaga that in our spiritual life, we pursue higher and deeper learning, that we graduate from basic things.

Hindi madaling lumampas sa elementary teachings. This means leaving our comfort zones. Papaano tayo tataas kung meron tayong fear of heights? Paano tayo susuot sa lupa kung tayo ay claustrophobic? Paano natin iiwan ang mga saulado na at dati na nating alam kung ayaw nating mahirapan ang ating isip at loob?

Bawat pagbabago ng isip ay dumadaan muna sa panandaliang kaguluhan. Kasi kung meron ka nang mapayapang pinaniniwalaan at niyayakap, magkakaroon ka ng transition period. Pero mahalaga ang paglago. Kasi if our knowledge, understanding, perception or belief is stagnant, wala tayong growth.

Laging merong konting hirap na kakambal ang pagbabago. But since we are being changed from glory to glory, hindi tumitigil ang pagbabago kaya dapat lang na lagi tayong nag-a-adjust.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: