Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Luke 19:26
He replied, “I tell you that to everyone who has, more will be given, but as for the one who has nothing, even what he has will be taken away.”

Dito sa bayan natin maraming tao ang naghihirap dahil sa anim na miembro ng pamilyang nakaasa, may isa lang na naghahanapbuhay. Paano nga naman tayo makakaahon? Mahirap ang bayan because not everybody is making money yet everybody is spending it. God loves to give money to trustworthy and productive people. Do you know what God does to people who are not productive? Binabawi yung konting ibinigay.

Kung minsan nagtataka ka. Bakit ba maraming mahirap na lalong humihirap? Baka dapat nating suriin ang ating sarili. Ang daming tao ang naghirap mag-ipon ng konti para makabili lang ng kapirasong lote. Nang balikan ang lupa nila, may nakatira nang iba. Tinirahan ng sampung taon, libre. Nang pinapaalis na, humihingi ng bayad, Palilipatin mo sa ibang lugar, ibibili mo pa ng ibang lote! Sa palagay nyo, ibi-bless ba ng Dios ang ganitong pamamaraan?

May mga empleyadong inggit na inggit sa may-ari.”Ba’t may kotse siya, ako wala?” Paano siya nagkaroon? Kasi siya yung masipag, siya yung maagang pumasok, siya yung masinop sa buhay. May ibang tao ring wala nang inisip kundi silipin nang silipin ang naiimpok ng iba. “Yung tiya mo, maraming savings yan. Dollar ang suweldo ng asawa.” So, uutangan nang uutangan.

May ibinibigay ang Dios sa lahat dahil God is fair. Huwag nyong sasabihing hindi. Kahit mayaman man o mahirap, lahat ay binibigyan ng kakayanan. Ano ang ginagawa natin sa mga yan? Pag hindi mo ginamit nang maayos ang mga bigay sayo ng Dios, babawiin nya.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.