Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 7:15

“Watch out for false prophets! They dress up like sheep, but inside they are wolves who have come to attack you.”

Sabi mismo sa Bible that there are wolves dressed as sheep who are mingling with the people of God, kaya mag-iingat tayo. Maraming nakiki-attend ng church, naghahanap lang ng mapa-prospect para utangan o bentahan ng kung anu-ano. Kung minsan nagtatagumpay sila, nagiging leader ng ganito’t ganoon. Kung inuutang-utangan kayo, dinadaan-daanan kayo sa iyak at kung anu-ano ng mga leaders nyo at magtitiwala kayo, suriin nyo muna. But of course, church leadership tries to be decent and not destroy people’s reputation. Pero magtatanung-tanong kayo dahil hindi tino-tolerate ng church yan. Kadalasan yung mahilig mangganyan may record talaga yan, maraming nakakaalam. Yung iba nagkakaroon ng matataas na posisyon dahil talagang sinadya nila yun. Nagpakasakit ng mga dalawa o tatlong taon, nagpapadama lang pala. At kung nakuha na ang ating pagtitiwala ay saka sumasalakay.

Ang ganda-ganda nya, laging naka-closed neck at may dalang malaking King James Version Bible, magtitiwala ka na agad. May mga youth leaders na molesters. Kunwa-kunwari magka-camp o overnight fellowship, yun pala pinagsasamantalahan ang innocence ng mga kabataan. There are people who can cry on cue. At kung naawa na kayo, natangay na ang inyong hikaw at pulseras.

Maraming huwad maging sa loob ng iglesia at nagsasamantala sa pangalan ng relihiyon. Alam lahat yan ng Dios. Kaya dapat tayong magsuri at maging madalanginin. Huwag tayong magpapadala sa nakikita lamang natin. We should pray for discernment to be able to feel in our heart what kind of heart the other person has.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.