Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 1:1

God blesses those people who refuse evil advice and won’t follow sinners or join in sneering at God.

Sa mga kabataan o sa mga nagbabata-bataan: Huwag kayong sasali sa mga tropa-tropa na walang iniisip kundi mga kabalbalan. Yung walang magawa, mambubugbog at mang-iinis. Maraming ganyan kaya may napapatay. Dadaan ka sa naglalasingan, iinisin ka ng mga lasing at mapapaaway ka.

Kahit wala kang maraming pera, mayroon ka pang karamdaman o ibang problema, yung hindi ka lang sumasama sa mga masasamang barkada, isang blessing na yun. Lalo kang mapapahamak at mapapalala ang kalagayan kung nakiki-sama sa ganitong mga tao.

Kung minsan dapat ding pagsabihan yung tatay. Maraming tatay, may asawa’t anak na, barkadero pa! Akala mo binata pa. Laging kasama ang barkada at umiimbento ng mga kabalbalan sa buhay. Minsan hindi naman talaga gustong manukso, pero nadala ka nung gustong manukso. Napasama, nasangkot, nadamay, kaya na-damage na rin. Sasabihin ng nanay ng nadawit, “Mabait naman ang anak ko. Na-influence lang ng iba.” May nanay din yung ibang iyon na magsasabing, “Mabait naman yung anak ko. Na-influence lang ng iba.”

Stay away from “un-good” company. Hindi na natin sinabing bad kasi hindi naman laging bad. Yun lang “un-good” ang dapat mong iwasan. “Do not be misled: ‘Bad company corrupts good character’” (1 Corinthians 15:33). Kasi kung minsan, may sarili tayong un-goodness. Pag ang kasama mo pa un-good din, lumalala yun. Pero kung may un-good character ka at ang kasama mo ay good, nadadala ka na rin sa good. Kaya dapat pinipili ang kaibigan at kasama.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.