Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 116:7 (NIV)
Be at rest once more, O my soul, the LORD has been good to you.

Rest draws one away from toil. It gives perspective, clarity, wisdom, and also re-energizes life. Yung mga nagpapahinga matapos mapagod ay mas lumalalim ang pagkatao, mas lumilinaw ang pananaw sa buhay, mas tumatalino. Sapagkat sa pagpapahinga, doon natin napoproseso ang mga bagay-bagay at napagdudugtung-dugtong ang mukhang hindi magkakadugtong na mga katotohanan. Kaya maraming enlightenment ang nangyayari sa pagpapahinga. No matter how tired you get, you are destined to rest because you are designed by God to rest. He, too, rested. Kaya kung nakakapagpahinga tayo kahit saan sumandal, o kahit hindi maganda ang inuupuan o kahit hindi first class ang kama, magpasalamat tayo sa Dios sapagkat one of the great joys of life ay libre ang magpahinga.

Bakit napakaraming tao ang naakit na sumunod kay Hesus? Sapagkat ang kanyang iniaalok ay kapahingahan. At sino ang tatanggi sa kapahingahan? Mga pusong pagod, mga taong naguguluhan, litung-lito at hirap na hirap. May kapahingahan sa Panginoon sapagkat hindi siya nang-uusig ni nanghuhusga at napapanatag ka kahit marami kang atraso sa langit.

In whose company are we most at ease and rested? Hindi ba doon sa lubos na nakakakilala at tumatanggap sa atin kung sino man tayo? Yung hindi natin kailangang magbalatkayo at magkunwari, at tinatanggap tayo for who we are. Ganyan ang walang patakarang pagtanggap sa atin ng Panginoong Hesus. Ganyan din ang inaasahan ng Dios na gagawin nating pagtanggap sa iba. Sapagkat yung pagtanggap natin sa ating kapwa kahit na ano man sila ay pagbibigay din ng pahinga.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.