Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Isaiah 8:19
When men tell you to consult mediums and spiritists, who whisper and mutter, should not a people inquire of their God?…

Go to the Lord, do not go to a pessimist. Huwag kayong pupunta sa mga taong negative thinkers. Mahahawa kayo. And definitely, do not go to mediums and wizards. Gusto mo ng payo, gusto mo ng kaliwanagan, pupunta ka sa manghuhula, sa bolang kristal, sa mga baraha, anong mangyayari sayo dun?. Huwag tumulad kay King Saul na sobrang napahamak. Litung-lito na, nagpunta pa sa tumatawag sa mga patay.

Pag pinanghihinaan kayo ng loob, ang kakausapin nyo yung mga taong babad sa salita ng Dios at puspos ng Espiritu ng Dios. Huwag kayong nakikipag-usap sa mga kapwa nyo ring nanghihina ng loob dahil magkakalubug-lubog lang kayo pareho. Pag galit kayo kay Kengkoy, huwag kayong makikipagkuwentuhan sa taong galit din kay Kengkoy dahil lalo lang nyang pag-aapuyin ang galit ninyo. Ang kakausapin nyo yung tuwang-tuwa kay Kengkoy para sabihing, “Alam mo yang galit mo, baka naman hindi well-founded.” Kadalasan naman kasi, masama na ang loob natin, galit na tayo, ang gusto pa nating makausap, kakampi. Ang gusto pa nating makausap yung magsa-side sa atin para lalo lang tayong masulsulan na magalit. So huwag sumasama ang loob natin kung yung kausap ay parang kinakampihan yung taong isinusumbong natin. Bina-balance lang tayo noon. Yun ang mabuting kausap.

Inquire of the Lord. Inquire of godly people. Huwag tayong maghanap ng kakampi, maghanap tayo ng balance. .

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.