Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ephesians 1:3
Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in the heavenly realms with every spiritual blessing in Christ.

Kalooban ng Dios na ang buhay natin ay maging punung-puno, maganda, mahusay at makulay. Sasabihin ninyo, “Papaano naman ako sasaya kung mahirap ako, wala akong masyadong pera?” Sa palagay nyo ba, lahat ng may pera masaya? Or, “Papano naman ako sasaya e meron akong kapansanan sa aking katawan?” Sa palagay nyo ba, lahat ng walang kapansanan masaya? Sasabihin nyo, “Papaano naman ako sasaya, wala akong kabiyak sa buhay?” Sa palagay nyo ba, lahat ng may asawa masaya?

Ang kasiyahan is not a matter of your station in life but a matter of attitude. Kailangan ang attitude natin laging nakababad sa salita ng Dios, lagi tayong positive.May pagpapala ang Dios, walang swerte-swerte, walang malas-malas. Alam ng Dios ang mga nangyayari sa ating buhay at hindi siya puedeng magkamali.

Ang taong hindi sumasang-ayon sa kalooban ng Dios, yun ang malungkot. Pero yung taong sumasang-ayon sa Dios, na sa tingin ng lahat ay parang kawawa naman, siya ang masaya. Kung anu-ano na ang nangyari sa kanya, sasabihin pa rin nya, “Purihin ang Dios dahil kung hindi pa ako naratay dito hindi ako matututong magdasal nang mahaba. Purihin ang Dios! Kung hindi pa ako nalugi, hindi ako mapapalapit sa Dios. Kung hindi pa ako iniwan ng nobyo ko, hindi ako matututong mag-Bible study.”

Aba’y maraming dapat purihin sa Dios. Pero yung mga taong reklamo nang reklamo kahit maraming blessing na dumarating, hindi pa rin nila nakikita kasi binubulag sila ng mga reklamo. It’s a matter of attitude.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.