WONDERFULLY MADE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 139:13-14

You are the one who put me together inside my mother’s womb and I praise you because of the wonderful way you created me. Everything you do is marvelous! Of this I have no doubt.

Yung namimintas sa sarili at sa kapwa, hindi nya dinidibdib ang kahulugan na ang bawat tao ay buong kahiwagaan, kapangyarihan at kaluwalhatiang nilikha. Bakit? Diyos kasi ang gumawa, and the works of God are wonderful. Marahil sobrang tinititigan lang natin yung kakulangan ng kapwa, hindi natin nakikita yung mga bagay na tamang-tama siya. Hinahanap natin sa kanya yung wala sa kanya, pinagagawa natin yung hindi naman siya gifted to do. Nagmumukha tuloy siyang walang kwenta.

Pero sabi, “the wonderful way you created me.” It means, I’m fit. Bagay ako sa lahat ng aking kasama, kasambahay, katrabaho at kapitbahay. Minsan, dahil sa ating maling pananaw sa sarili at sa kapwa hindi natin naa-appreciate ang pagkakaiba-iba. Samantalang ang pagkakaiba-iba na yan can be very charming because our differences give variety in life.

God is a God of variety kaya maraming puedeng gawin ang isang tao. Mayroon siyang number one na galing, at pwera d’yan may number two, may number three, at ayon sa hinihingi ng pagkakataon may ilalabas pa siyang ibang galing. Kahit di nya laging gustong palutangin ang galing nya, marami siyang talents, roles, callings to enable others to fit. Binibigyan din nya tayo ng kakayahang magpasensya, umunawa, umibig para yung ibang bahagi ng pagkatao ng kapwa natin ay ating mapagpasensyahan, mapatawad, matanggap.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

PAULIT-ULIT NA LANG?

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 3:5-6

With all your heart you must trust the LORD and not your own judgment. Always let him lead you, and he will clear the road for you to follow.

Pag sinuri nyo ang ating mga problema, paulit-ulit, pabalik-balik, iyon at iyon din. Yung problema mo sa nanay mo, sa tatay mo, sa anak mo, sa asawa mo, sa sarili mo, iyon at iyon. Problema sa kapitbahay, problema sa kalusugan, parang wala namang bago, bakit kaya pabalik-balik? Halimbawa, bakit yung mga taong nababastos, naaapi, nasasaktan lagi na lang sila ang nagaganon? O kaya napapansin mong lagi ka na lang nilalampas-lampasan, hindi pinapansin, at kahit sino na lang ginaganun ka. Lagi ka na lang nabibiktima. Bakit yung laging nananakawan, naho-hold up, siya at siya pa rin ang paulit-ulit na nadudukutan, naaagawan, nawawalan? Lagi ka na lamang inaabuso ng tao, hinihiraman, inuutangan, hindi binabayaran, pabalik-balik, paulit-ulit. Yung mga na-1-2-3 noon, sila pa rin yung mawa-1-2-3 ngayon at bukas sila pa uli ang madadaya na naman. Yung mga nadadaya ng mga manggagantsong nanliligaw, nakakapitong nobyo na, iyon at iyon pa rin. At kung may madadaya na namang isang dalaga bukas, siya na naman ang kandidatang madaya.

If you do not like what’s happening in your life, change the way you think. Because the way you think attracts the things that happen in your life. Kung hindi ka masaya sa problemang pabalik-balik, palitan mo ang pag-iisip, palitan mo ang attitude at kasama nun palitan mo ang facial expression, body language and body movement.

At kung laging ikaw na lang lagi ang namamahala ng buhay mo, oras na para isali mo ang Dios sa usapan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

FORGET NA LANG

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 13:5

Love…doesn’t keep a record of wrongs that others do.

Tatanungin ka ng Dios, “Bakit ang daming peklat ng puso mo?” Sasagutin mo, “Sinugatan po kasi ako ng boyfriend ko noong April 2, 1999.” Magtataka ngayon ang Dios, “E bakit ang daming sugat?” Nahihiya ka ngayong sumagot, “E kasi po, pagkatapos nyang sinugatan, sinasaksak ko po nang sinasaksak nang paulit-ulit dahil lagi kong naaalala.” Ganyan ang nangyayari sa atin tuwing ginugunita natin yung sakit, hapdi, galit, at hinanakit. Ano ngayon ang sasabihin sa atin ng Dios? “Kasalanan mo ‘yan!” Minsan ka na palang nasaksak, dapat hindi ka na papayag na masaksak uli.

Kaya ang itinuturo ng Panginoon, forgive. Kasi kahit magpatiwa-tiwarik man tayo, hindi na puedeng ibalik ang panahon. Mahalagang magpatawad tayo para yung natitira pang oras sa buhay natin ay hindi na madadamay dun sa nasira na ng nakaraaan. Habang hindi nagpapatawad, lumalaki yung sira.

And while it is difficult to forgive, also try to forget. Kung maraming binasag na palayok sa mukha mo ang nanay mo dahil laging mainitin ang ulo nya at nandyan pa rin ang mga hinanakit sa dibdib mo, ikaw na ngayon ang nagiging unkind sa sarili habang hindi mo ito nalilimot. Lalo na’t matagal nang patay ang nanay mo. Kasalanan mo na yan.

Anuman ang atraso sa atin ng mundo, hindi maaalis yan ng kare-replay sa isip. Itigil na ang self-torture na yan. Ultimately, tayo ang magiging beneficiary when we forgive and forget. Lahat ng pait, ibaon na sa limot, and travel on as best as you can. Marami pang natirang pagpapala ang Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

LOVE AFFAIR WITH GOD

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 13:8

Jesus Christ never changes! He is the same yesterday, today, and forever.

People who fall in love with people are very unstable dahil inilalagak nila ang puso nila sa kamay ng tao na hindi rin kayang hawakan ang sariling puso. Pag mahal mo ang isang tao, nadadagdagan ang iyong mga pangamba. Nangangamba kang siya ay mapahamak o kaya ay mawala. Habang dumarami ang ating minamahal na tao, bumibigat ang ating dalahin. Oo nga’t nakakatanggap din naman tayo ng pagmamahal, nasusuklian din yun, pero ang pag-ibig outside of God’s hand is a burden. Marami sa inyo ang magpapatotoo nyan. Pag nakakita ka ng isang taong kay dilim-dilim ng mukha, maaaring tinakasan na naman ng nobyo o nobya yun. Binigyan tayo ng Panginoon ng kapasidad na magmahalan sa isa’t isa, pero pag hindi ang Panginoon ang dearest, pag hindi sa paraan ng Panginoon ang ating pag-ibig, isang napakalaking dalahin at pabigat sa buhay yang pagmamahal.

But if the Lord is our foremost love, he gives us stability. He is the same yesterday, today and tomorrow. Nakakatiyak tayo na walang pagbabago. Di ba’t ang napakalaking pangamba ng tao kung mayroong minamahal ay yung baka magbago siya at hindi ka na nya mahalin? Kung tao lang yan, pinakapeligroso ang kalagayan natin. Dahil oras na nawala yung taong yun o nabawasan ang kanyang pag-ibig, nakikipag-usap na tayo sa ating anino.

Ang maganda sa Dios ay hindi siya nawawala. If there is something we have to learn or relearn, ito ay yung maka-develop ng isang love relationship with God.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

IN HIS LOVE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

John 14:21

“If you love me, you will do what I have said, and my Father will love you. I will also love you and show you what I am like.”

Kung kayo ay in love with another person, you can never have contentment. Why? Hindi ka lang na-text maghapon, malungkot ka na e. Hindi ka lang naalala man lang, nagdaramdam ka na. Nakipagngitian lang nang konti sa iba, nasasaktan ka na. At pagka tayo ay nakalimutan na, marami nang kulang. Kahit maraming pagkain sa ating harapan, hindi natin makain dahil wala tayong gana. Kahit na napakaganda ng ating higaan, hindi tayo makatulog, pabiling-biling sa higaan, dahil wala siya at nakalimot. The more you love people, the less you will be contented. Because being selfish, we can never have enough of people. Kahit na ibigay na yung lahat-lahat sa atin, kulang pa rin. E sa totoo lang, hindi naman maiibigay sa atin ang lahat-lahat.

A person will not find contentment unless Jesus Christ is his or her lover. Jesus Christ gives us the contentment that we need. That’s a beautiful truth of a love affair. Yung love affair nyo ba nagbibigay nyan? Mahirap mangyari. Paminsan-minsan, dinadapuan tayo ng contentment. “Hay, salamat at siya ang aking minamahal.” Pero kadalasan, yan ay reklamo at disappointment. And so the more you love people, the less contented you become. But if you only love the Lord, the more contented you get. Nagiging sapat na ang Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

PEACE FOR KEEPS

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ephesians 2:14 (NIV)

For he himself is our peace…

Yung mga nagmamahal ng tao, walang katahimikan yan. Kung minsan kahit katabi mo na ang mahal mo at napalingon lang sa iba, tumatahip na ang iyong dibdib, nag-aapoy na ang iyong tenga, unti-unti ka nang nagiging Incredible Hulk. This whole world has been deceived by Satan to always look for romantic love. At dahil sobra ang pressure na magkaroon ng human partner, lalo tuloy lumulungkot ang buhay. Hanggang sa Divisoria naghahanap ng kasuyo. Kung sobrang lungkot, naghahanap ng aliw sa mga escort services. Pero paano ka naman pasasayahin ng mga GRO e habang tumatawa yun ay inom nang inom at ikaw ang nagbabayad nun? At huwag kang magkakamaling malasing at baka maiuwi nya ang iyong wallet. Minsan talaga, sa paghahanap ng kasiyahan, doon napapahamak ang kaluluwa.

Kung malungkot ka, e di malungkot ka. Hindi naman kasalanan ang maging malungkot. Pero dahil nga ayaw na ayaw nating malungkot kaya tayo naghahanap ng libangan na nagdadala sa atin sa napakaraming pagkakamali. In search of happiness, many people have made shipwreck of their faith.

Pero kung ang Panginoon ang number one na mahal natin, mayroon tayong kapayapaan. The Lord gives peace. Binibigyan tayo ng kapayapaan na hindi kayang ibigay ng sanlibutan. Isang uri ng kapayapaang hindi kayang ipaliwanag. Yung klase ng kapayapaang pumapawi ng mga alalahanin at pangamba. Alam nyo kung bakit? Ang mundo kung magbigay, bigay-bawi. Pero ang Panginoon, pag nagbigay, for keeps.