TAKLESA

Colossians 4:6

Be pleasant and hold their interest when you speak the message. Choose your words carefully and be ready to give answers to anyone who asks questions.

Tactless people usually present the ugly, the painful, the unpalatable, and the unkind side of an issue. Bibihirang bagay sa mundo yung isang punto lang. Maraming anggulo, mukha at hugis, pero pag dumaan sa bibig ng intrigero, yung pangit lang ang ilalabas nya. Nasa korte yan ng pananalita e.

TALO ANG MAYABANG

Proverbs 21:24

If you are proud and conceited, everyone will say, “You’re a snob!”

Pride can take the shape of self-importance. Yung gusto mong lagi kang bida, nire-recognize, kinikilala. Pride seeks captives. Dahil ang tingin mo lang sa mga tao ay mababa sa iyo. “Kaya ko ang mga yan. Kontrolado ko sila.” Pride does not admit errors and shortcomings. It is hypersensitive. Yung mga taong sobrang manipis, maramdamin at matatampuhin, actually mga proud yun.

MAGPAKATOTOO NA LANG

Psalm 12:2-3

Everyone tells lies, and no one is sincere. Won’t you chop off all flattering tongues that brag so loudly?

One of the sins we commit against our fellowmen is the sin of deception. At kasama rin dito ang sin of flattery, o yung pambobola at pang-uuto. Sweet talk, smooth talk. Why do we do this? Because we want that person’s favor or affection. Mayroon tayong gustong mahuthot sa isang tao kaya natin binobola. Hindi marapat na ito ay ginagawa ng mga anak ng Dios. Dapat pa ngang tabtabin, tabasin at putulin ng Dios ang mga nguso at mga dila ng mga mahihilig mambola. Isang napakalaki naman sigurong kasinungalingan na makakita ka ng isang pagkataba-tabang tao at sasabihin mo, “Ang slim mo naman!” Para ano? Para pasayahin siya sa isang kasinungalingan dahil mayroon kang gustong hingin sa kanyang pabor? Alam nyo ba na yung taong tumatanggap ng papuri kahit hindi kapuri-puri ay pinaniniwalaan na rin ang kasinungalingan dahil sa dalas nyang nadirinig? Kaya ang mga taong ganito ay hindi grounded. Nakaangat ang paa sa lupa at nabubuhay sa kasinungalingan. Magandang tulong ba ito sa mga tao?

AVOID “UN-GOOD” COMPANY

Psalm 1:1

God blesses those people who refuse evil advice and won’t follow sinners or join in sneering at God.

Sa mga kabataan o sa mga nagbabata-bataan: Huwag kayong sasali sa mga tropa-tropa na walang iniisip kundi mga kabalbalan. Yung walang magawa, mambubugbog at mang-iinis. Maraming ganyan kaya may napapatay. Dadaan ka sa naglalasingan, iinisin ka ng mga lasing at mapapaaway ka.

WHATEVER IT TAKES

Matthew 9:18

A ruler came and knelt before him and said, “My daughter has just died. But come and put your hand on her, and she will live.”

Many people lose not because they’re losers but because their fathers or mothers or benefactors are. Lahat tayo may umaasa sa atin pero kung papatay-patay tayo, talo yung mga umaasa sa atin. Enrolment ng anak mo pero kapos ka. Puede mo namang kapalan yung mukha mo at mangutang. Yung mga mahiyaing magulang hindi nakaka-enrol ang anak. Si Jairus, patay na yung anak ngunit lumapit pa rin siya kay Hesus. Sinabihan siyang, “Huwag nyong abalahin ang Panginoon. Patay na e.” Pumunta pa rin si Hesus at nabuhay yung anak. Talo ka pag yung tatay mo madaling mag-give up. Kaya, mga tatay, nanay, kuya, ate, kasintahan, asawa, may pananagutan kayo sa mga umaasa sa inyo. Kailangan matibay kayo.