ANG NASUSUNOD

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Isaiah 45:9
“Woe to him who quarrels with his Maker…Does the clay say to the potter, ‘What are you making?’ Does your work say, ‘He has no hands’?”

Nakapanood na ba kayo ng gumagawa ng palayok o ng ceramics? May isang kapirasong putik na nakapatong sa ikot nang ikot na makina. Padyak naman nang padyak yung potter para umikot at mabigyan nya ng shape yung clay. Pero yung clay kung sobra siyang malambot o sobra siyang basa, o sobra siyang matigas o ayaw nyang sumunod sa kamay nung gumagawa, hindi mangyayari ang dapat mangyari. Kailangan may cooperation.

Para tayo yung clay. At ang Panginoon naman ang potter. Puede bang sabihin ng putik, “O, anong ginagawa mo sa akin? Bakit ganyan? Lagyan ninyo ako ng tangkay. Ayoko ng ganyang korte”? E, siya naman yung potter, tayo ang clay. Malay ba natin kung ano talaga ang maganda.

Alam ng Dios ang lahat kaya dapat na pinapayagan natin ang Dios na kumilos. Hindi tayo dapat makipagtunggali sa kanya. Kapag sinabi nyang babaan mo ang pride mo, ibaba mo.

“Baka malugi naman ako?”

“Bakit?”

“Kasi…magmumukha naman akong api.”

Sabi nya tanggalin yan, e di tanggalin! Sinabi na ng Dios, “O, do not make any images.” Kung anu-ano pa ang ginagawang dahilan. “Hindi ko naman dinadasalan e, dekorasyon lang.” No! Sinabi na ngang huwag e, titigasan pa ang ulo.

Kung Dios lang talaga ang nasusunod, e di kasalanan nya kung may masamang nangyayari sa atin. Bakit may masamang nangyayari? Kasi hindi naman siya lagi ang nasusunod. Madalas tayo ang nasusunod.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

THE PERFECT MAKE-OVER

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 15:51-52
Listen, I tell you a mystery: We will not all sleep, but we will all be changed—in a flash, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, the dead will be raised imperishable, and we will be changed.

Maiiba tayo kaya huwag kayong matakot. Kahit pansamantalang nagmukhang nabulok kayo, katawan lang yun. Tayo ay bibigyan ng bagong anyo. Ng glorified body, ng glorified identity. Yung may mga kapansanan sa planetang ito, wala nang kapansanan pag bumangon sa presensiya ng Panginoong Hesus. Ang lahat ng kakulangan ay hindi na magiging kakulangan pa. Ang lahat ng mga tinatawag na mga kapintasan ay di na magiging kapintasan pa. We will all be changed. Hindi na tayo kailanman aagawin ng pagkabulok.

Kung atin lamang pakikinggan ang sinasabi ng Biblia, ang lahat ng takot ay maglalaho, mapapalitan ng pag-asa at ng kagalakan sa mga darating pang panahon. Ang takot ay hindi galing sa Dios kundi sa ating kaaway. Kaya kung tayo ay matakutin, dapat nating palayasin ang espiritung yan at lalo tayong umasa sa Espiritu ng Dios.

Ang kailangan lang nating takot ay ang takot sa Dios. When we fear God, there is nothing else and no one else to fear.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

IKAW PA KAYA

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 6:25-27
“Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear. Is not life more important than food, and the body more important than clothes? Look at the birds of the air, they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they? Who of you by worrying can add a single hour to his life?”

Nakakita ka na ba ng ibon na nagtatanim? Nakakita ka na ba ng ibon na nagsasaka? Kahit mumurahin lang ang karaniwang ibon at natitirador at nababaril, hindi maaari na di yan inaalagaan ng Dios. Ikaw pa kaya na tao?

Ang totoo’y alam na natin ito pero hanggang ngayon patuloy tayong nag-aalala. Magkaiba yung alam mo at yung pinaniniwalaan at pinanghahawakan mo ang salita ng Dios.

Ito ang logic. Firstly, God will take care of us. Secondly, worrying cannot extend our life. Kung mapag-alala tayo, umiigsi pa nga. Hindi naman nadadagdagan ang kasiyahan kung mapag-alala tayo; nababawasan pa nga.

Bakit ka nga nag-aalala? Kung yang mga bulaklak at mga damong ligaw na buhay ngayon pero bukas ay lanta at susunugin na ay pinag-iisipan pa ng Dios na damtan ng magagandang kulay at disenyo, ikaw pa kaya na mas mahaba ang buhay? Ikaw pa kaya na may panghabang panahong buhay? Ikaw pa kaya na nilikha sa wangis ng Dios? Ikaw pa na siyang dahilan kung bakit ang Anak ng Dios ay namatay sa krus ng Kalbaryo? Ikaw pa kaya?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

UNCOUNTED BLESSINGS

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ezekiel 34:25-26
“I will make a covenant of peace with them and rid the land of wild beasts so that they may live in the desert and sleep in the forests in safety. I will bless them and…send down showers in season; there will be showers of blessing.”

The blessing of the Lord does not always have to come in the form of cash. Alam nyo bang ngayong araw na ito’y binigyan kayo ng regalo ng Lord na siguro ay at least fifty thousand? Yung iba siguro, three million o one million. Alam nyo kung paano?

Dahil sa araw na ito, hindi nasunog ang bahay nyo, hindi kayo nasagasaan ng pison, at hindi kayo nagpa-repair ng butu-buto na daan-daang libo ang gagastusin. Did you know that the Lord gave that to you today by sparing you from a lot of financial disasters? Isang pagkakasakit lang ay maaaring makalumpo sa finances ng pamilya. Ang kalusugan lang ay napakalaki nang regalo. Daig mo pa ang nabigyan ng pera na maaaring mawala rin kung magagastusan ka sa pagpapagamot.

Count your blessings. Everytime you come home na nandun pa ang bahay nyo, say, “Lord, thank you dito sa six million worth na ibinigay mo sa akin sa araw na ito.” Paggising mo uli sa umaga, “Lord, another six million. How nice!” Nandun pa rin ang iyong kalusugan at kayamanan. Aba, maraming uncounted blessings araw-araw. Dapat tayong matutong bilangin – at ipagpasalamat ang mga yon. Above all that, nagbibigay pa rin siya ng parang umuulang pera na hindi mo malaman kung saan nanggagaling. Nangyayari yon. Blessings will be poured that there may not be enough room for it.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

KAHIT ANONG MANGYARI

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Daniel 3:17-18
“If we are thrown into the blazing furnace, the God we serve is able to save us from it, and he will rescue us from your hand, O king. But even if he does not, we want you to know, O king, that we will not serve your gods or worship the image of gold you have set up.”  

Alam nina Shadrach, Meshach at Abednego bilang mga anak ng tunay na Dios na ipinagbabawal ang yumukod sa anumang gawa ng sining, na kawangis ng tao, hayop o anumang persona sa kalangitan o lupa. Kaya kahit na tumutugtog ang mga instrumento, they remained standing. Yan ang tunay na paninindigan. Nakatindig talaga sila!

Kaya’t ipinatawag sila ng hari. Sabi nila, “Hindi po kami yuyuko kahit ihagis nyo kami sa higanteng oven. Ililigtas po kami ng aming Panginoon. At kahit hindi po kami iligtas, hindi pa rin kami yuyuko.” Namula sa galit ang hari at iniutos na sila’y ihagis sa pugon. Buo ang loob ng tatlo hanggang sa ihagis sila at ang mga nagdala sa kanila’y namatay sa tindi ng init.

Madalas ay ganado tayong sumunod sa Dios pag ang hiling natin ay pinagbibigyan. Kapag ang anak natin ay gumagaling sa sakit, samba tayo nang samba. Pero pag hindi gumagaling, ayaw na nating magsimba. Nagtatampo na tayo sa Dios. Kapag binigyan tayo ng house and lot, panay ang samba natin. Pero pag nasunugan tayo ng bahay, wala na tayo sa church. Hindi tunay na pananampalataya yan. Ang pananampalataya sa Dios ay pagsunod sa kanya kahit ano pa ang maging bunga. Even if it ends in our death, we still obey. Because we know that beyond death, God is there.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.