MAGTANONG

Proverbs 18:15
The heart of the discerning acquires knowledge. The ears of the wise seek it out.

Ang tunay na matalino ay naghahanap pa ng katalinuhan at ng karunungan. Ang tumitigil nang maghanap nito ay ang hindi matalino. Kung sino pa ang nangangailangan ay siya pa itong titigil, kaya’t lalong walang nangyayari sa kanyang buhay. At yun namang marunong at nakaaalam na, habang dumadami ang kanyang kaalaman, lalo nyang nadidiskubreng marami pala siyang hindi alam. Kaya lalo siyang naghahanap ng malalaman pa. Sila ang mga taong umaasenso.

HETO ANG LATIK

Ecclesiastes 12:13-14
Now all has been heard, here is the conclusion of the matter: Fear God and keep his commandments. For this is the whole duty of man. For God will bring every deed into judgment, including every hidden thing, whether it is good or evil.

Bigyan ang Dios ng pitagan at sundin ang kanyang mga iniutos. Why? Because words of wisdom, according to Solomon, are like sticks that farmers use to make animals move. Yun yung mga goads na sinasabi nya. Napapalo nang konti, naga-guide nang konti, kumikilos yung hayop na ayaw kumilos sana.

LATIK

Ecclesiastes 12:9-10
Not only was the Teacher wise, but also he imparted knowledge to the people. He pondered and searched out and set in order many proverbs. The Teacher searched to find just the right words, and what he wrote was upright and true.

Alam nyo ba kung gaano kahalaga ang mga kasabihan? Para makabuo ng two-liner na “Ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim. Ang naglalakad ng marahan, kung matinik ay mababaw” kailangan ng isang mahabang buhay ng pag-o-observe, pagpo-proseso ng mga na-observe at pagkatapos buong katalinuhan na paggawa ng mga conclusions. Gaano kaya karaming karanasan, karunungan, pagmamatyag, panonood, at pag-aaral bago makabuo ng isang kasabihan?

BAWAL SABIHIN YAN

360 BAWAL SABIHIN YAN

Luke 1:37
“Nothing is impossible with God.”

Isa sa pinaka-ayokong naririnig mula kanino man ay yung “Mahirap gawin yan.” Sa takot ng mga taong gumawa ng mahirap, pinapadali na lang nila ang lahat ng ginagawa nila. Ang resulta, bumababaw tuloy sila, lumiliit ang kanilang mundo at pawala nang pawalang kwenta ang kanilang mga produkto.

MAY PLANO PARA SAYO

Jeremiah 29:11
“For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Bagamat may orihinal na tinutukoy ang verse na ito, merong pangkalahatang katotohanan ito para sa mga anak ng Dios. At ang plano ng Dios para sa kanila ay bigyan sila ng kasaganaan at kaginhawahan. Hindi para saktan kundi bigyan ng pag-asa at mabuting kinabukasan.