SAME GOD, SAME STRENGTH

Deuteronomy 31:23
The LORD gave this command to Joshua son of Nun: “Be strong and courageous, for you will bring the Israelites into the land I promised them on oath, and I myself will be with you.”

This was the secret of Joshua’s strength—God was with him. Si Joshua ay katulad lang naman natin na tao. Kung sinasamahan siya ng Dios, e di tayo rin. Kung may ipinapapasok siyang tao kay Joshua sa Promised Land, e di sa atin rin. Tulad din tayo ni Joshua na inuutusan nya. Sabi ng Lord, “Dalhin mo ang biyenan mo into the promised land of salvation. Dalhin mo ang asawa mo, yung anak mo, yung kaibigan mo. Ikaw ang magturo.”

A MATTER OF ATTITUDE

Ephesians 1:3
Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in the heavenly realms with every spiritual blessing in Christ.

Kalooban ng Dios na ang buhay natin ay maging punung-puno, maganda, mahusay at makulay. Sasabihin ninyo, “Papaano naman ako sasaya kung mahirap ako, wala akong masyadong pera?” Sa palagay nyo ba, lahat ng may pera masaya? Or, “Papano naman ako sasaya e meron akong kapansanan sa aking katawan?” Sa palagay nyo ba, lahat ng walang kapansanan masaya? Sasabihin nyo, “Papaano naman ako sasaya, wala akong kabiyak sa buhay?” Sa palagay nyo ba, lahat ng may asawa masaya?

PINIPILI YAN

1 Corinthians 15:33
Do not be misled: “Bad company corrupts good character.”

Dapat kasi talaga maging mapili tayo sa ating sinasamahan, kung kanino tayo sumasabay at lalung-lalo na kung kanino tayo sumusunod. Minsan, sobrang bias ang mga magulang sa pagmamahal sa kanilang anak. “Mabuti ang anak ko, masama lang yung barkada.” Kung mabuti ang inyong anak at barkada lang ang masama, ano at napasama rin siya sa barkada nya? Lahat kasi tayo ay merong masama at mabuti sa ating kalooban.

TWO-WAY

Proverbs 18:22
He who finds a wife finds what is good and receives favor from the LORD.

Husbands should agree. Huwag nyong sabihing sinungaling ang Biblia. Kapag hindi kayo agree dito, kayo ang sinungaling. Kahit maraming imperfection ang asawa nyo, pag sinukat mo nang husto, good yan at favor from the Lord. Kapag hindi mo nakikita yon, buksan mo ang iyong mata. At kung nakabukas na ang iyong mga mata at kapangitan pa rin ang nakikita mo, ipikit mo ulit. Then makikita mo ang kagandahan in a spiritual way.

LAGING WELCOME

1 John 1:9
If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.

Ang purity ng isang tao ay hindi nakasalalay sa kanyang perfection dahil walang perfect. Ang purity ng tao ay ibinibigay ng Dios. Sino ang binibigyan ng purity? Sino ang pinu-purify? Yung nagku-confess. Yung tinatanggap ang kanyang pagkakamali. Yung umaamin sa kanyang kasalanan. Ipinagtatapat yon at inihihingi ng tawad.