DAANIN SA TULOG

Psalm 4:8
I will lie down and sleep in peace, for you alone, O LORD, make me dwell in safety.

Storms, whether physical or spiritual, bring about sleepless nights. But like Jesus, we must learn to sleep through the storm. Kung may bagyo, pilitin nating matulog. Kahit naman tayo magpuyat hindi natin kayang pigilin ang bagyo. Maliban na lang siguro kung ang bahay natin ay nanganganib na anurin ng baha o kaya ay gumigiray. Mabuti ngang maging alisto dahil baka pag gising natin, lumilipad na tayong kasama ng bahay natin.

SABI MO E

178 SABI MO E

Proverbs 18:21
The tongue has the power of life and death, and those who love it will eat its fruit.

May kababalaghan at hiwaga ang spoken words. Words, when spoken, find a way to become real. Kaya yung laging sinasabi, “Yang anak ko na yan, bobo yan!” Nagiging bobo na nga. “Ang buhay ko, malas, malas, malas.” Talagang nagkakanda-malas-malas nga. Kasi hindi nga natin maipaliwanag why there is power in spoken words. Siguro dahil sinabi mo, nasa-suggest sayo, yun na rin ang gagawin mo. O narinig mo, yun na ang expectation, yun na rin ang gagawin mo whatever the explanation. Or what you say becomes your prayer.

AAPAW ANG MABUTI

2 Corinthians 9:8
And God is able to make all grace abound to you, so that in all things at all times, having all that you need, you will abound in every good work.

Aapaw tayo sa mabubuting gawa sapagkat sa lahat ng panahon aapaw ang biyaya ng Dios sa ating buhay. Sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar, you will have everything you need. In that case, you will overflow and you will abound in good works. Yan ang kalooban ng Dios para sa atin.

WISDOM IN HUMILITY

James 4:10
Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up.

Why do we experience humiliation? “Anak ako ng Dios pero bakit ako nakakaranas na ma-humiliate? Bakit ako napapahiya?” Hindi ba balancing act lamang yon dahil the Lord works in perfect balance? Pag nagpa-negative ka na, itinataas ka nang ganun. Pag nagpa-positive ka masyado, ibababa ka para ma-level off.

YOU ARE YOUR HABIT

1 Peter 1:15-16
But just as he who called you is holy, so be holy in all you do; for it is written: “Be holy, because I am holy.”

Gusto nating maging banal; hindi tayo nagiging banal agad. Nag-uumpisa tayo sa paggawa ng isang bagay na tama. At sa paulit-ulit na paggawa natin ng righteous acts, we start to change internally, and then we become righteous.

Maganda na maging habit natin ang holiness. Yung di na pinipilit, di na iniimbita, di na tayo nagpupumiglas. But for us to make it a habit, we should start with actions, which are sometimes painful and inconvenient. Kung gaano ka-inconvenient, kung gaano ka-painful mag-umpisang manigarilyo o suminghot ng rugby, o humitit ng alkitran, o ng kung anuman ang uso ngayon na hinihitit ng addicts, ay mahirap sa umpisa. Pero mamaya ay gumaganda na ang nafi-feel nila.