SA SUOT AT KILOS

Titus 2:3-5
Likewise, teach the older women to…train the younger women…to be self-controlled and pure…

Paano bang maging self-controlled ang mga kababaihan?

Sa pananamit pa lang, dapat kontrolado na. Dress responsibly. Huwag magsuot ng damit na pinasisilip-silip na ang pusod. O kaya yung mga damit na bakat na bakat pati nunal. Akala mo balat, damit na pala. Pilit na pinabababa ang neckline at pilit itinataas ang hemline.

THE WIFE OF YOUR YOUTH

Proverbs 5:18
May your fountain be blessed, and may you rejoice in the wife of your youth.

The one that you married in your youth is the one that you are going to enjoy until you both grow old. Yung iba kasi, they enjoy the youth of their wife ngunit pag tumanda na, naghahanap na ng ibang woman na may youth. Kaya tuloy ang mga babae ngayon, oppressed na oppressed. Hindi na malaman kung ano ang gagawin. Pupunta ba sa doktor or sa magician o sa mangkukulam para sila forever looking young. Kasi men are always looking for the youth of their wife, not the wife of their youth.

ANG SUPER MODEL

Proverbs 31:30
Charm is deceptive, and beauty is fleeting; but a woman who fears the LORD is to be praised.

Mahalaga ang pagkatao. Hindi lang yung marami kang verses na alam, saulo mo lahat ng dasal, lahat ng mga uniform ng mga araw ng mga santo’t santa ay suot mo. Ang mahalaga, meron kang character. Nut just passive, indolent religiosity. Not just lowliness, patience and tolerance. Not just pagtitiis, pagpapakasakit, pagdarasal, pag-iyak at paghihintay ng himala. Ito ang itinuro at glinorify ng napakaraming taon ng “Christianity” sa Pilipinas.

HINDI BIRO

Malachi 3:10-11
“Bring the whole tithe into the storehouse, that there may be food in my house. Test me in this,” says the LORD Almighty, “and see if I will not throw open the floodgates of heaven and pour out so much blessing that you will not have room enough for it. I will prevent pests from devouring your crops, and the vines in your fields will not cast their fruit,” says the LORD Almighty.

Ang sabi, “Bring the whole tithe into the storehouse so that there may be food in my house.” Sino ba ang nasa house? Hindi ba tayo? Tayo rin ang kakain. Many churches are poor because their members are poor givers. If the church is poor, wala ring food sa table. Konti lang feeding. E kasi hindi ma-afford ng church. When people support their church, they actually support themselves because it is theirs. You can never really give to God because God never needed anything. The Lord only likes to get so he can give it back many times over.

SUKATAN

Matthew 19:21
Jesus answered, “If you want to be perfect, go, sell your possessions and give to the poor, and you will have treasure in heaven. Then come, follow me.”

Hindi ibig sabihin nito, lahat ng may kabuhayan hinihingi ng Panginoon na ibenta nyo ang kabuhayan nyo at ipamigay para kayo maging banal. Nagsabi kasi itong taong ito, “Lord, gusto ko pong sumunod sa inyo.” E alam ng Lord na ang dios ng taong ito ay yung pera nya. Kaya sinabi nya, “Magpalit ka muna ng dios. Ibenta mo lahat yang kayamanan mo at ipamigay sa mahihirap saka ka sumunod.” Hindi siya sumunod. Kasi totoo lang yung sinabi ng Lord na pera ang dios nya. Pero kung ang Dios nyo naman ay ang Dios, kahit may pera pa kayo, hindi naman ipinapatapon sa inyo.